The Queen’s Book Talk #6 : Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon ( Janus Silang #1 ) ni Edgar Calabia Samar

image

179 pages
Published 2014 by Adarna House
ISBN13 : 9789715084741
Edition language : Tagalog
Series : Janus Sílang #1

image

Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sa iba’t-ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglala
ro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!

image

Oo inaamin ko, Hindi ako ganun kadalas magbasa ng mga Akdang Pinoy dahil nababaduyan ako. Paumanhin! Ipagpatawad niyo. Pero di kasama sa mga “Baduy” na ito ang mga batikang manunulat na sa Pilipinas. Ang tinutukoy ko lamang ay mga bagong labas na mga kung ano anong kababawan. Sorry pero hindi ko talaga maatim basahin. Hindi na lamang ako magbabanggit ng pangalan pero kung kilala mo ako malamang alam mo na kung sino ang tinutukoy ko. Kaya medyo alanganin akong basahin itong librong ito pero dahil nirekomenda ito ng isa sa mga malapit kong kaibigan ay binigyan ko na din ng pansin. At di ako nagsisisi dahil napakaganda. Saludo ako kay Sir Edgar. Napakaganda ng pagkakalarawan niya sa mga nangyayari, sa pagpapakilala ng mga karakter at higit sa lahat sa buong konsepto at tema ng Janus Silang.

Sa nga unang parte, sabe ko, Aba parang si Bob Ong magsulat ito ah. At di naman ako nagrereklamo dahil mahal na mahal ko si Mr. Ong. Pero nung lumaon nagkaroon ng ibang atake. Nagkaroon ng sariling pagkakakilanlan. Sa una ay babahain ka niya ng impormasyon. Mga impormasyon na akala mo ay hindi mahalaga at maaaring masabe mo pa na hindi naman kailangan. Pero pagdating sa huli, ipapagtagni tagni niya lahat ng kinuwento niya sayo mula una para sumabog ang utak mo sa kung paano niya guluhin ang buhay ni Janus. Kasalukuyan akong nasa bus noong binabasa ko ito pero hindi ko napigilang di pumalakpak sa may bandang dulo. Wala na akong pakealam kung mukha na akong tanga basta kailangan kog pumalakpak dahil kahit medyo inaasahan ko na ganun nga ay mangyayare ay nagulat parin ako sa mga kaganapan.

image

Bibigyan ko ito ng 4 na bituin dahil umaasa pa ako na mas mapaganda pa ni Sir Edgar ang mga susunod na kabanata ni Janus.

image

PS. MYGOD. ANG HIRAP PALA MAGREVIEW NG TAGALOG. ANG ILONG KO DUGONG DUGO I SWEAR. 😂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s